Sana nga, paghanga lang

Okay. I know I always do english blog post.

But today would be an exemption because… I was just listening to OPM indie sappy and senti songs XD

So yeah. Please forgive me.

P.S, If you’re not a Filipino/you can’t understand tagalog, feel free to comment down below and I’ll gladly translate it to you 😉

P.P.S, If you’re wondering what song I was listening to? It’s Minahal Kita by Julianne Tarroja. 

——

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Ang alam ko, isang simpleng paghanga lang ito.

Pero bakit ganito? Iba ang tibok ng aking puso. Iba ang kislap ng aking mata tuwing nakikita ka. Iba ang aking mga ngiti kapag sumasagi ka saaking isipan.

Palihim na tumitingin. Palihim na umaasa.

Masisisi mo ba ako? Sikat ka. Normal lamang ako. Pinag-aagawan ka ng napakaraming babae, at isa ako duon.

Sinabi ko sa sarili ko, hindi. Hanggang paghanga lang ito. Na kahit ilang beses mo na akong pinapakilig dahil sa boses mo, kahit ilang beses mo akong hindi pinapatulog dahil paulit-ulit kong naaalala kung paano mo tinawag ang pangalan ko.

Hindi. Paghanga lang ito. 

Pero hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, tuluyan na nga bang nahulog?

Ramdam ko na oo ang sagot. At pinagdadasal ko na sana hindi nalang, dahil sa huli, masasaktan lang ako.

Alam ko na walang ibig sabihin sayo ang pag-uusap natin hanggang alas-2 ng umaga kahapon.

Walang ibig sabihin sayo ang pagpapahiram ko ng gitara ko.

Walang ibig sabihin sayo ang pag sagot  ko sa mga napakababaw mong tanong.

Walang ibig sabihin sayo ang mga pinagsamahan natin.

Na walang ibig sabihin sayo ang di mo pagsayaw saakin.

Nakakatawa talaga. Hindi na dapat ako umaasa. Kahit napakalapit mo lang sakin, parang ang layo-layo mo parin. Ang hirap mong abutin. Ang hirap mong biruin. Ang hirap para sakin na iyong pansinin.

Dahil sino ba ako? Isang hamak na taga-hanga at kapwa studyante lamang.

Advertisements

One thought on “Sana nga, paghanga lang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s